top of page
Search

Ten Uncommonly Used Filipino Words

  • Jan 9, 2021
  • 2 min read

Updated: Feb 14, 2021

We often find it quite amusing for foreigners that are struggling to learn Tagalog. But I ain't lying when I say that we ourselves, as Filipinos that no matter how fluent we speak our native language there are still a lot of words we didn't know.


I have here 10 examples of Uncommonly used Filipino words with their definitions and how they are constructed in a sentence.

painting brushes

Hiraya


Imagination


Anumang inilalarawan sa isip o binubuo sa isip.


“Sinisigurado kong kakaiba na naman ang hiraya neto.”



Sulatroniko


Email


Isang proseso ng pagpapasa o pagbibigay ng mensahe patungkol sa impormasyong mayroon ka.


"Gumawa si Vanford ng sulatroniko dahil kailangan nila ito sa pagpasa ng kanilang mga gawain."



Pook-sapot


Website


Isang lugar sa World Wide web na binubuo nang ibat ibat impormasyon patungkol sa tao, lugar, organisasyon at iba pa. Maaari kang pumili ng ibat ibang Theme, Style at template Upang mapaganda ang nasabi mong website.


"Ang pook-sapot ng Facebook ay www.facebook.com."



Anluwage


Carpenter


Tao na gumagawâ ng mga estruktura o kasangkapan na ginagamitan ng kawayan o tabla.


"Tumawag ako ng anluwage para ayusin ang sirang lamesa."



Initsigan


Thermodynamics


Ay sanga ng pisika na nag-aaral sa epekto ng pagbabago sa temperatura, presyon, at buok (volume) sa mga sistemang pisikal sa sukat makroskopyo sa pagsusuri ng kolektibong (o pinagsamang) kilos ng kanilang ng mga partikula sa pamamagitan ng estadistika.


"Magandang mga topiko ang makukuha mo kapag natuklasan mo ang pag aaral tungkol sa pagpapalit sa gawa at init, at Ito ay Initsigan."



Duyog


Eclipse


Paglalaho ng buwan.


"Nakita ko ang duyog kanina kasama siya."


Panginain


Browser


Isang programa na mayroon ang isang pook-sapot na kung saan maari kang makahanap ng ibat ibang impormasyon patungkol sa mga gawain na mayroon ka, sa mga takdang aralin na kailangang tapusin gamit ang internet.


"Maraming iba't-ibang panginain ang angkop sa paghahanap ng impormasyon sa internet."



Yakis


To sharpen


Paghahasa ng patalim sa bató o katad.


"Ang kutsilyo ay niyakis ni Amber sapagkat ito ay mapurol."



Miktinig Microphone


Kasangkapang elektroniko na may kakayahang makapagpalakas ng tunog.


"Nakita niyo ba ang miktinig? Gusto ko kasing kumanta."


Pang-ulong Hatinig


Headset


Isang kagamitan na nagbibigay nang mga tunog gamit ang ibat ibang device o kagamitan katulad ng mga cellphone.

"Gumamit ako ng aking pang-ulong hatinig upang mas mapakinggan ng mabuti ang ginawa kong musika."


Check out my vlog!





 
 
 

Comments


Let me know what's on your mind

Thanks for submitting!

bottom of page